"Hindi kasi nila alam kung anong prinaprioritize nila e."
Okay. Whoa. Sa kanya pa talaga nanggaling yan?!
Minsan sana, may mga taong marunong makiramdam. Bakit? Kasi hindi mo alam pero yun pala, sa ugali mong walang pangengealam sa bagay na dapat involved ka ay may nahihirapan. Nakakainis lang! Pwede ba magkwento?
Kanina kasi. Nakikiusap ako sa isa kong kagrupo kung pwedeng siya na lang ang magtanong sa isa naming teacher kasi balak kong maglinis dahil hindi ako nakalinis kahapon kasi may pinuntahan ako. Abaa. Etong si taong to! Biglang nagpakita sakin ng attitude. Yung parang facepalm na naiinis na itsura!
AY WHOA. Nagulat ako kaya napalakas yung boses ko na, "Ay! O edi sige, sasama na ako!! *&@#$^% &#!" Sa sobrang pagkainis ko.
Hindi lang naman ako magagalit dun kung yun lang e. Kaya lang, mabuti kasi sana kung marunong siyang makisama samin. Tas kasi project nga 'to so dapat, may EFFORT ang isa't-isa,di ba? Eh nasan na yung kanya? Nakakabwiset lang kasi ganon yung pinakita niya.
ETO PA! Nung kinausap namin si Teacher 1, nasa labas lang! Hindi pumasok. Eh galit nga ako, hindi ko na tinawag. Pero tinawag siya nung iba, hindi pa rin. Kesyo masikip daw, mainit ganyan. Tas lumipat kami sa kabilang faculty dahil sabi ni Teacher 1 puntahan namin si Teacher 2. ABA! TIGAS TALAGA! Hindi pa rin pumasok hanggang sa bumalik kami sa kay Teacher 1 at doon.. Hindi pa rin pumasok. Tigas ng mukha mo dre!
Wala naman siyang karapatan dahil hindi pa sapat yung pagod namin ng iba kong kagrupo sa pagod na nararamdaman niya dahil petiks lang siay palagi.
Naawa lang ako kaya hindi ko mabitawan. Pero nako. Kung siguro talaga, matagal ko na 'tong binitawan! MATAGAL NA. Pakatino ka. Ayoko ng may makaaway pa eh. Pero isa na lang. Konti na lang. Baka sumabog ako at sigawan ka. Masabi ko pa ang mga bagay-bagay na tinatago ko lang. TSK.