Alam mo ba na sa bawat desisyon na gagawin natin sa buhay natin wala naman talagang mali. Kung meron mang nangyari na di kasama sa plano dahil sa desisyong nagawa natin, baka yun ang paraan para matuto tayo. Hindi naman kasi sa lahat ng bagay, ibibigay sa atin ng madalian ‘di ba? Katulad nalang ng tattoo na to, nagdesisyon kang magpatattoo ng “REGRET NOHING” at huli na nang mapagtanto mo na kulang pala ng letrang T. Ibig sabihin, matututo ka na sa susunod na alamin munang mabuti kung anong munang ipapalagay mo para di sayang ang tinta.











