Hi Babe, Ochie
Nung naging kaibigan kita sobra gaan na parang wala negatibong enerhiya na mag mumula sayo. June 9 non nung makausap kita ulit bigla ko naramdaman na bigla tumibok puso ko ewan ko ba bigla ko may naramdamn sayo. Hehe Sa mga sumunod na araw mas lalo tumindi yung naramdamn ko, halo-halong saya kilig, excitement, araw araw na nag aantay ng message mula sayo. Hanggang sa "BOOM!" pag ibig na ata ito.
Sobrang saya ng puso ko nung maramdamn ko kung paano ka mag mahal, mag pahalag, mag bigay ng oras at ngiti. Hnd ko malimutan yung unang iloveyou na sinabi mo sakin June 16 yon halos tumagos ako sa lupa. Haha Ano daw!? Masaya, sobrang saya at gustong-gusto ko. Minsan oo lagi ko iniisip na hnd nmn ako magugustuhan nito kung hnd ako umamin dahil hnd nmn ako yung tipo ng guy na gusto mo.
Nung umuwi ka ng pinas, isa din sa hnd ko malilimutan nung una tayo nagkita grabe Chie sobra kaba non pawis na pawis kamay at paa ko. Yung tibok ng dibdib ko ang lakas parang sasabong. Hahaha Yung unang kiss ko sayo sa Noo. Whahaha kainis! Tapos unang kiss ko sayo sa Lips hinarang ko pa yung payong kasi bka may makakita. Hahaha uhmmm!
Yung pag punta ko sa inyo nakilala ko sila lahat lalo na si MAMA , yung matikman ko Laing niya Hay Naku Apakasarap! 🤤 Salamat at ipinakilala mo ako sakanila.
Minsan lng talaga ako makaalis o makagala dahil wala nmn budget tlga. Haha Isa sa pinaka hnd ko malilimutan sa buhay ko nung makarating ako ng La Union na ikaw ang kasama ko, Pucha! Ang sarap. Makasabay ka mag lakad ng walang iiwasan na kahit sino, makasabay ka kumain, mag picture, makatabi matulog at maka sabay gumising. Sabi ko non Chie sana hnd na matapos toh pero lagi sumasagi sa isip ko na aalis ka iiwan mo ako lahat ng nangyayare sa araw araw ganon din ang pag konti ng araw na makakasama kita. 🥺 At dumating na ngayon, nung last na punta ko sa inyo at paalis kna ng madaling araw gustong gusto ko sabhin sayo na wag kana umalis dito ka nalang wag mo ako iwan. 😢
Hnd ko din malimutan yung umuwi tayo galing Elyu, yung may pasalubong tayo tapos pinili ko kung ano yung sakin? Naku! Sablay ako don, Wrong move. 😅
Nung sa Tagaytay ang sarap din sa feelings non na habang dumidilim ang paligid ikaw yung kayapos ko tapos sobra lamig pa non. Tapos tanda mo binuhat kita paakyat? Haha Ang saya-saya na nakakahingal. 🤭 Tapos byahe tayo ng jeep pauwi, ang pinaka solid pa non yung Van na sinakyan natin sa Elyu tapos yung jeep na sinakyan natin pauwi galing Tagaytay pareho sila ng busina yung nakakagulat yung " I FEEL GOOD na na na na! " Ang galing dba hahaha
Nung na hospital ako sana andito kapa non sana ikaw ang kasama ko, sana inalagaan mo ako, sana naramdaman ko yung prisensya mo. Hays Marami salamat sa tulong Financial sakin, sobra ko appreciate yon hayaan mo bawi ako kapag binigyan pa tayo ni Lord oras para magkasama at magkita. 🥹👉👈
Nung bumalik ka ng Kuwait sobra nkakalungkot pero ayun yung realidad e. Maghihiwalay talaga tayo at Oo aaminin ko hnd ko tlga naihanda ang sarili ko sa bagay na yon, ganon pla kahirap ang LDR noh? Kakainin ka ng PANGUNGULILA, kakainin ka ng sarili mo pag-iisip at ayun yung naging kahinaan ko 😢 Kahit anong gusto mo makita at mahawakan hnd mo magagawa. 😭
Totoo na saktan ako ng sobra sa nangyari satin sa nagawa mo. Sinabi ko sa sarili ko na hndi ko na kaya mag stay pa sayo, pero yung love na meron ako sayo non hnd nag bago o nabawasan. Ewan ko ba imbis na mas lumayo ako mas lalo ko nararamdamn na Mahal kita. Totoo yon Chie! 😔
Sa loob ng HALOS 14months of love pa sana, 😢 may mga struggles, mga desisyon, masasakit na salita, masasakit na nararamdamn, mahihirap na maunawaan, mga pag kakamali, mga hinala, kawalan ng tiwala, mga panahon na gusto kita mkasama pero hnd kaya. LAHAT ng yan naramdamn ko o kahit ikaw din. Pero kahit na minsan hnd nawala yung Love ko sayo 😭 kahit na palagi kita inaaway, ibinabalik yung mga nkaraan na hnd na dapat. 😔 😭 SORRY BABE, kung naramdamn mong maubos ng dahil sakin, naramdamn mong manliit dahil sakin, naramdamn mo na mapagod at magsawa ng dahil sakin. Pagiging toxic, paranoid, isip bata, mahirap umintindi, mahirap umunawa, mahirap paliwanagan. Lahat ng yan inihihingi ko sayo ng Patawad, pasensya! 😭 Sana dumating yung araw na mapatawad mo ako sa lahat ng nasabi at nagawa ko sayo. I'm really SORRY OCHIE! 😭 Hindi ko yan sinasadya pero nagawa ko, i'm so sorry Babe. 😭 Masayang masaya ako na naging bahagi ako o ikaw ng buhay natin dalawa.
Isa lang maipapangako ko sayo sa lahat ng araw na minahal kita mananatili sa puso ko yon at hnd mawawala. Sobra dami ko natutunan sayo, mga bagay na kaya ko pla magawa, mga sakripisyo na hnd ko maisip na magagawa ko, ilabas yung pagkatao ko na hnd ko nailalabas.
MARAMI SALAMAT sa 13 Months ng pagmamahal mo, sa 45 days nang buhay ko na nakasama kita. Kung hnd man tayo ang inilaan ni Lord mananatili kang may puwang sa puso ko. Hnding hndi ko malilimutan ang saya, lungkot, kilig, tawanan, lambingan at lalo na yung Foodtrips natin dalawa. Mamimiss kita ng sobra! ♥️🥹
Palagi ka mag-ingat! Ingatan mo puso mo ha? Nawa maging masaya ka at matupad mo yung pangarap mo para sa pamilya mo. Magtagumpay ang sakripisyo mo sa ibang bansa.
Thankyou sa mga panahong naging kontento tayo sa isa't isa, hnd man tayo nagkaroon ng happy ending 🥺 Thankyou pa din kasi meron akong naging ikaw na minsang naging parte ng buhay ko. 🥹 Kung pagtapuin muli tayo ng pagkakataon masaya ko na makita kang maging masaya. However, i want you to know that my feelings for you is geniune and true. And i'm always here for you pa din Babe! 😢
Alm ko hndi mo na mababasa toh.
Sana kapag dumating yung araw na magkita muli tayo pareho na sana magaling ang mga puso natin, at hnd na maghiwalay pa. 🥹
Mahal kita lagi, Babe! 🥹♥️ MAHAL NA MAHAL!
Salamat sa Love, sa Care, sa lubos na pag intindi at pag Stay sakin. Salamat!
Ang dating magkalayo ay muling paglalayuin 😭
Hanggang sa Muli, Goodbye aking Sinta! 😭💔
- Sir Babe
8625

















