Priorities Galore
Andami kong gustong gawin. Madami akong gustong ma accomplish. Madami din akong oras. Sobra. Kaya lang wala akong focus. Di ko rin na oorganize ang priorities ko. Kaya hindi nag mamatch yung mga gawain ko sa oras ko. School work. MA requirements. Apologetics. ito ngayon ang mga nasa top priorities ko. Pero pag nag bukas ako ng laptop at may wifi, ayan na, taob silang lahat sa Facebook. Idagdag mo pa dyan ang youtube. Lately kasi parang uhaw na uhaw ako sa kaalaman sa salita ng Diyos at turo ng simbahan kaya kung anu anong apologetic books na ang binabasa ko. Nanunuod din ako ng mga documentaries. So isa siya sa kumakain ng malaking oras ko ngayon. Sunod diyan eh gusto ko din matuto mag luto. hahaha. nahihirapan na kasi ako nang tuwing uuwi at walang makainan eh fastfood ang bagsak. Gusto ko rin talaga matuto mag luto ng ibat ibang ulam para incase magka pamilya ako (oo vinivisualize ko yun) eh mapag sisilbihan ko din sila. Kaya lang sa imbis na ulam ang aralin ko eh desserts tulad ng oreo cheesecake, cathedral window, at graham cake ang nagagawa ko.
Hindi pa din nawawala yung pangarap ko maging author kaya kahit konti ay nakaka kuha din ng oras ko ang pag propromote ng Elementia and the Seventh Arrow ko. Ngayon ang malaking problema ay ang pag iinternet. Aminin na natin. Hindi lang naman ako ang may gantong problema. Ang kailangan lang natin pagtuunan ng pansin ay kung pano sosolusyonan ito.
Pero kung ieevaluate ko maige sarili ko, nacocontrol ko naman. Ang problema lang eh pag gagawa ako ng UBD or ng paper sa MA ay wala ako lagi sa mood. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa mood ako para maka pag produce ng magandang work. Ako pa naman yung tao na ayaw mag pasa ng poochu poochu na gawain. It’s either mag sa-submit ako ng good work or wag na lang.
Ngayon dahil gusto ko ng quality work eh lagi na lang late ang gawa ko at ito ngayon ang sosolusyonan ko. Sabi ng mga nabasa ko eh kailangan ko lang daw mag laan ng specific na oras para sa specific na gawain. And then it will become a habit. Nung una kasi wala akong habit habit. Kung maisipan lang. Pero eto ngayon ang idedevelop ko sa sarili ko. Habit. Siguro mahirap sa una pero go lang. Bakit yung pag sasaing ko ng brown rice sa gabi at pag hihiwa ng lemon eh nadevelop kong habit? So magiging habit ko na rin ngayon ang pag gawa ng specific tast sa specific time. Ito ngayon ang ikaapat kong Resolution ngayong taon. Habit. Oh diba? sabi ko sa inyo eh hindi kailangang laging January ang New Year’s Resolution. :D So help me God. :)













