April 7....
Ayun. Kinuha ko yung card ko kahapon :)) kasama ko si Bestfriend.. OO. Bestfriends padin kami. sobrang walang duda xD Busy lang talaga kaya di na kami ganun kung magusap. xD Sobrang saya, kahit lumagpas kami ng bababaan :] Naglalakad na kami papuntang Quescie e. nandun na kami sa labas.. nang biglang sumakit yung tiyan niya. haha. :)) ayun. kaya sandali lang kaming pumasok. tas nung nalaman kong di pa irerelease yung card namin, hinatak na kagad ako papuntang SM. diretso siya ng CR :) medyo matagal din siya.. pero wala namang nangyari. masakit pa din daw.
Pero nag aya siya. maglalaro siya ng PIU. Ay aba!! kung makapag laro parang walang sakit na nararamdaman oh. ayun. pagtapos niya, Pawis na pawis ang bruha :) ang lamig sa SM pero iya pawis na pawis dahil sa Pump it Up :)) pagtapos niyang maglaro, balik kaming school. at sa wakas!! binigay din si card.. tas BALIK na naman kami ng SM. :))
Nanuod na kami ng catch me i'm inlove. NAKAKATWA siya. pero aaminin ko. :) KINILIG ako :> nakurot ko pa nga si bestfriend ko e. nagkasugat :\ NAKONSENSYA AKO :'( tas ayun. sorry ako ng sorry. pagtapos nung movie, nag PIU na naman siya. WALANG KAPAGURAN! >:) tas nagutom siya. edi kumain kami :) pagtapos namin kumain, lipat naman kaming trinoma! haha astig talaga.
Ang usapan namin dapat 9:30 - 1 lang kami eh. kaso naging 10 - 5 :)) Sobrang namiss ko lang siya :] minsan, di talaga ako ganun nageenjoy pag 1 lang kasama ko lalo na sa galaan. pero ibang usapan pag si Bestfriend :)) <3 namiss ko siya. :) i love herrrrrr! <3 <3









