Mga araw na...
Naging masaya ang mga nagdaang araw.... Habang dumadaan ang mga oras na kasama ko ang mga kaibigan ko, mas lalo kong nararamdaman ang sense ng buhay. Hindi lang pala talaga nabubuo ang buhay sa pag gastos ng pera, sa pagkuha ng mga bagay na gustong gusto mo at feeling mo ikakamatay mo pag nakuha mo na. Baliwan pala ang mentality na 'yon. Malayo sa katotohanang "Materyal na bagay ang nagpapaikot ng mundo ng tao"... Kasinungalingan!
Subuakan mong maging masaya sa bagay na mero ka, at wag ng maghanap pa ng iba. Alam mo kung bakit? Kasi tanga ka! Hinahanap mo ang mga bagay na alam mong imposibleng maging sayo. Pero sabagay, may point ka. Bakit nga naman hinahanap ang bagay na wala ka? Para nga naman makuha mo. Pero kahit may point ka, wala akong pakialam, dahil ito ang pananaw na tinatanaw ko.
Napaka galing ng Diyos na lumikha sakin. Binibigay nya ang mga bagay na hindi ko hinihiling, at hindi nya binibigay ang mga bagay na gusto ko, dahil may rason ang mga 'to. Di na ko magtatanong dahil alam kong may plano sya para sa'kin, at maghihintay ako hanggang sa matapos ang planong 'yon. Excited na ko! Ikaw ba? Palagi ka ba nagtatanong sa Kanya kung bakit ganto at kung bakit hindi ganun? Minsan di naman maiwasan yon, kahit man ako sa mga panahong walang wala akong mapag buntunan ng nararamdaman ko at naiisip kong isisi sa kanya ang lahat. Pero I always end up blaming myself. At maiisip ko nalang na,... "Sarili ko nga pala 'to. Ako nga pala nagpapatakbo ng buhay ko. May sarili akong utak para mag-isip at may puso akong malaki para ibahagi sa iba ang pagmamahal na binibigay nya sakin..."
"I have so much love to give, but no one wants to take it." - Kirstin Mga line ni tropang Kirt nung isang araw sa SP. Yun tipong hayok na hayok kami sa pagmamahal ng ibang tao. Naisip ko habang naliligo ako kanina, ibibigay ko nalang lahat ng pagmamahal ko sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko. Mas masaya siguro. Mas ayos yon, panigurado!
Kanina lang, naguusap kami ni Rizalyn. Heart to heart tsong. Ang saya lang! Pakiramdam ko pareho kami ng nararamdaman, mapwera nga lang sa tyan. Kasi iba ang pakiramdam ng tyan ko kanina, dahil uminom ang tsaa! Hahahaha! Tungkol sa ponyetang pag-ibig ang usapan namin kanina. Ang pinagkaiba ng "YOUNG LOVE sa PANG MATANDANG PAGMAMAHAL". Ang korni lang pakinggan pero ang sarap sarap pag usapan (kung wala kang love life) mas masarap pa sa Cordon Bleu ng Gervins sa SP. (Sana alam mo kung ano ang sinasabe ko)
Ang dami kong gusto sabihin sayo, pero ang napansin kong masyado na palang mahaba 'to. Ingat nalang tayo mga tsong! :)












