Pinapangarap ka na makasama Hangang pagtanda Pero teka teka Takot ako na magsawa ka Sa iisang reklamo Na iyong mariinig dahil sa hirap sa trabaho Sa iisang bahay na Uuwian nating dalawa Sa iisang hapagkainan Kung saan natin pagsasaluhan Hindi lang pagkain Kundi mga kwentuhan Sa iisang kama Kung saan sabay tayong Hihiga at lalatay Sa iisang kantang Papakinggan natin Habang papunta kung saan Sa iisang magiging katabi mo Sa kahit ano pa man Sa sasakyan o simbahan Sa iisang problema Na ating pagsasaluhan Sa mga di pagkakaintindihan Na dadating sa ating samahan Natatakot ako na ang matagal na inaasam asam ay mauwi sa kung saan lang. Natatakot na mawala ang pag ibig pag nakasanayan. Natatakot na mawala ka sakin sa oras na iisa na lang ang ating pinagsaluhan. •6/17•









