-N O F O R E H E A D T O D A Y-
Sobrang mugto ng mata mo dito Mahal kong Hon hon, sempre gawa ko. :( Habang nagtatype ako nito, iniisip ko lahat ng masasayang memories natin from May 15, 2018 - Niyaya kitang mag lunch. Real quick na lunch lang yun pero pwede na.Sinundo ko sa mcdo yung haggard na ka meet up ko, wala daw ligo kaya nahihiyang dumikit sakin. HAHA. (di ko alam pero yung amoy mo na walang ligo ang kinakaadikan ko pag yakap kita, parang perfume na ang sarap sarap sa ilong. weird pero basta nakakalma. Pakiramdam ko kasi nasa bahay lang ako kasama asawa ko palaging nasa tabi ko lang.) -- Hanggang nung huli tayong nagkasama dyan sayo. Hindi ko na naaalala yung mga away natin at hiwalayan. Hindi ko alam pero puro happy memories nalang talaga ang naaalala ko. Yung mga panahong seryoso nating piang uusapan ang future, mga paulit ulit lang tayong sumubok. Nag failed nanaman tayo ngayon, kasalanan ko ulit. Pero mahal pinapangako kong magiging mas mabuti pa akong tao. Mas aayusin ko ang sarili ko, hindi dahil binitawan mo na ko ay susuko nalang ako. Alam kong may napakagandang reason si God kaya ka nya binalik sakin. Umpisa palang naman to mahal e. Pangakong malalagpasan natin to. Hanggat totoong wala ka nang pagmamahal para sakin ilalaban kita kahit sa tahimik na paraan nalang muna kasi alam kong ito ang mas nakakabuti para satin. Alam kong dapat na mas magkasama tayong hihilumin ang mga sugat, pero kahit pinili mong hilumin ang sarili mo nang iakw lang, naniniwala akong babalikan mo pa rin ako kahit sinasabi mong ayaw mo an kong mahalin pa ulit. Mahal, hindi ako susuko. kahit abutin pa ng taon. Mahal na mahal kita.
tinitignan ko tong larawan mo ng paulit-ulit, sabi mo ang pangit mo dyan. Di mo ba alam na gandang ganda na ko sayo dyan? Kahit ang haggard at mugto ang mga mata, para kang isang batang sobrang sarap yakapin at amuy amuyin. Sobrang namimiss na kita mahal. Sobra sobra. Gustong gusto kitang makayakap ngayon. Pauwi na ko ng bahay. Iingatan ko palagi ang sarili ko. Sana ikaw din dyan. we’ll meet again Hon. Kahit anong mangyari. I love you.
















