Rurok
Sa sobrang taas mo, mas pinili kong maging kaibigan mo.
Sa sobrang taas mo, isinawalang bahala ko ang nararamdaman ko.
Sa sobrang taas mo, naintindihan ko na hindi ako ang para sayo.
Sa sobrang taas mo, nakuntento ako sa kung anong meron tayo.
Sa sobrang taas mo, tumalikod ako at hinayaan ang pagtulo.
Sa sobrang taas mo, lumayo ako at di tumigil sa pagtakbo.
Sa sobrang taas mo, sana masaya ka kahit wala ako, para kahit papano maging masaya din ako kahit walang tayo.









