Gusto ko lamang mag kwento. Para matapos na ‘tong hinanakit sa dibdib ko.
Last na ‘to. Itatapon ko na lahat. Kakalimutan.
Pasensha kung mahaba, dedetalyehan ko lang talaga ‘to.
"Hmmm. Tumblr! Masubukan nga"
Napagtanto kong mainstream ang landian dito sa di katagalang pag tambay ko sa aking dashboard.
Wala nga akong pakielam sa ibang blogger, feeling ko plastik lahat ng tao dito.
Follow lang ako ng follow noon. Hanggang sa may nagustuhan akong babae.
“Wow, ang ganda nia, snob ‘to, parang inactive sa Tumblr” ganon nasa isip ko.
‘di nagtagal, nalaman kong medyo semi active naman, nag TA ako.
Pero naka anon ako. Wala eh, nakakahiya kasi.
‘di katagalan stalker na nia ako. Syempre pangit ako kaya ‘stalker’
Kinulit ko siya ng kinulit.
Backread sa blog nia, then unti unti kong nalalaman yung ugali nia.
Hindi katagalan napapangiti ako sa sense ng blog nia, kinulit ko lang ulit ng kinulit.
Syempre, anon parin.
One day nag ask siya kung pwedeng mag off anon ako, then ginawa ko naman.
Kinabahan ako nun, pero parang nauumay na siya sa pagkaanon ko kaya nagpakilala na ako.
Naging magkaibigan kami, friendly naman pala talaga.
‘di katagalan medyo close na kami.
Nagpatuloy lang na ganun,
nagbabasa rin siya sa blog ko.
Sinabi nia nga natutuwa siya sa akin, magaan daw loob nia sa akin.
Unti unti akong nahuhulog. Pero pinipigilan ko, walang sasalo. Pero matigas ang ulo ko.
Totoo pa gumawa ako ng private blog para pag laanan ng mga paru paro sa dibdib ko sa tuwing kausap ko siya.
Ayun, nagpatuloy kaming magkaibigan. Nag uusap, at lalo akong naiinlove sa kanya.
Feeling ko close na talaga kami sa isa’t isa. Kasi halos oras oras kami nagcha chat.
Pina add nia nga pala kasi yung Facebook nia sa akin.
Ayun, kaya natutuwa na ako lalo.
"nahuhulog na ako"
“sasaluhin kaya ako?”
(Ang effort kong tayo, napaka ma effort ko pagdating sa gusto ko.)
(Hinding hindi mo rin mababasa ang nasa isip ko, magaling akong magtago ng nararamdaman.)
Hindi nia alam na gusto ko siya, sobrang galing ko kasi magtago.lol
Kaya siguro ang sweet niang kaibigan. sobra.
Tanga nga pala ako, may ka MU siya.
Pero pinagpatuloy ko parin. Kaibigan parin.
Hindi nia alam mahal ko na siya.
That time yung private blog ko, nasa public blog ko, pero di maoopen kasi need ng pass.
Isang araw tinanong nia na lang sa akin kung anong pass nun.
Tinaggi ko pang ibigay, pero ‘di katagalan binigay ko rin.
Wala eh, kumbaga do or die, umiwas o hindi ayos lang, pero sana wag umiwas.
Yung feelings kong ang tagal kong tinago nalaman na nia.
"I don’t know what to say."
Awkward na ang lahat, pero alam mo, hindi nia ako iniwasan.
‘We can stay friends.’
Lumilipas ang araw, bumabalik kami sa dati na ‘friends’
magkaibigan parin kami kahit alam na niang may gusto ako sa kanya.
Ang sweet nia. Sobra. Walang halong pag aassume pero mas naging sweet siya.
Hindi tulad ng dati.
—-
Isang araw, sa tinagal tagal ng pagtingala ko sa langit kasama ng mga bituin.
Napag isip isip kong mag move on, mas pinipili ko na kung saan kami mas magtatagal. *Friends.
Nagpatuloy kaming nag uusap, sa mga araw na ‘yon nagmu move on nako, masaya ako, masaya siya.
Pero, parang may mali, ang sweet nia eh. Hindi normal…
Ako naman ‘tong naguguluhan pero pinupush ko parin talaga nag mag move on na lang kasi alam kong walang patutunguhan.
‘Bakit? Bakit?’
"1:43 Goodnight :) "
‘1:43. Goodnight :)’
Lalo akong nahuhulog, pero please, tama na.
Oh waht? Why ? Bakit biglang ganun?
Masaya raw siya pag nakakausap ako.
Lalaki ako, may pakiramdam, at alam niang may gusto ako sa kanya.
Pero hindi, may ka MU siya. NO. NO. NO. NO way.
Nagpatuloy kami, friends.
But having that ‘i don’t know’ thing.
Dumarating sa punto na nag aassume na ako ng sobra.
Pero binabalewala ko na lang, kasi alam kong masasaktan ako banda sa dulo.
Feeling ko narin naman malapit ng mawala yung feelings ko.
Para maipush yung friendship namin.
One day, iniwasan na lang nia ako, no chat, ta, fm, SEEN.
I admit, mahal na mahal ko parin talaga siya.
Mas masakit, iniwasan ako kung kelang mahal ko talaga.
Parang tanga ako, chat ng chat, hindi nia nioopen.
Nag umpisang lumungkot yung buhay ko, sobra. Halos araw araw sa skul umiiyak ako, oras oras pa ata, sa rooftop kung saan walng makakakita.
Wala akong magawa. Bakit naging ganon. Bakit?
Dumating yung oras na sumuko na lang ako.
—-
Napakaraming bagay ang nabago sa akin nung mga panahon masaya ako kausap siya.
at napakaraming bagay rin ang nasira sa pagkatao ko nung iniwasan nia ako.
Feeling ko ginago ako ng tadhana.
Daming kulang dito, gusto ko lang talagang i share kasi hanggang ngayon dinadala ko parin.
Sorry lang, wala akong nakita o narinig man lang. Kaya ganon, ambigat parin.
Last na ‘to. Gusto ko ng matahimik.