SIYA, ISIPAN, EWAN.
Nakakatuwa lang noh, na wala pa silang binabanggit na pangalan eh alam mo na kung sino yunng pinatutungkulan at kung saan ang papatunguhan ng usapan, Kahit na “Si Ano” palang ang sinasabi nila, Hindi naman siguro halata na ang iniisip mo parin ay SIYA.
Siya, siya nanaman. Ano nga ba ang ginagawa niya sa kasalukuyan. Nakakain na ba Siya? Masaya kaya Siya? Maayos kaya ang tulog Niya. Niya, Siya, eh ewan. hanggang sa tanungin mo nanaman saraile mo. “Naiisip Niya rin kaya ako?” At ayan, kung hanggang saang dako nanaman ng kasuloksulukan ang mararating mo sa iilang salita, iisang kataga, at napakasimple pero tila ang kasagutan ay imposible na katanungan ang magpapaikot nanaman sa natutuliro mong isipan. Isapan, Ano kaya ang nasa Kaniyang isipan. Ako ba, na nasa mga ala-ala ang sanhi, o dahilan ng kanyang pag-ngiti ng biglaan habang nakatitig sa kawalan. Tulad ko, punong puno rin ba ang Kaniyang isipan tulad ng mga ganoong katanungan. Ewan, Ewan, hindi ko alam, gusto ko malaman pero, kahit na anong paraan, o usapan ang gawin parang sarado parin.
Ewan, Ewan. hindi ko talaga alam, kung saan pa papatungo. Pero, pero isa lang ang alam ko. Isang bagay na siguradong sigurado ako. Na SIYA ang palaging nasa ISIPAN ko. Kahit di NIYA ito pahalagahan. Sasabihin at sasabihin ko parin na MAHAL KO SIYA hanggang sa araw na kapag tinanong ako kung MAHAL KO PA BA SIYA ang tanging kasagutan nalang na aarit sa aking mga labi ay EWAN.






