Madalas tuyo ang lupa tuwing summer. Syempre naman, sa init ba naman ng panahon, sa sikat ng araw, at dahil na rin siguro sa mga pollutants sa hangin, paanong hindi matutuyo ang lupa? Pero anyways, hindi naman ito tungkol sa lupa, o tungkol sa kung ano mang related sa panahon, tungkol ito sayo...
Tungkol sayo. Madalas naiisip kong galit ka sakin, kaya naman panay ang pag "sorry" ko sa iyo. Hindi ko naman talaga alam kung galit ka, naiinis ka, naiirita sa akin. Kasi nga naman tuwing tinatanong kita, parating "okay lang" ang sagot mo. Sa totoo lang, medyo nababahala ako sa tuwing "okay lang" ang sagot mo, hindi ko alam, sadya lang siguro akong paranoid. Ee kasi naman, ayoko lang talagang magalit ka sa akin, hindi ko kakayanin kung mangyari man iyon, kaya lagi kong dasal, sana okay lang ang lahat...
Tungkol sayo. Magaling kang magsalita at magsulat, parati kong sinasabi sa iyo yun. Kahit pa na may sipon ka pa, or ubo, or malat man yan, sa tingin ko, maganda pa rin ang boses mo (kahit na di ko pa naririnig~). Kahit na maikli lang, sobrang nakakagulat ang galing mo sa pagsulat, kahit simpleng tungkol lang ito sa kung ano-ano. Sa totoo lang, lalo akong nagaganahang mag sulat dahil sa mga sulat mo, nagagandahan kasi ako ee, kaya may nararamdaman akong parang gusto kong gumawa ng tagalog version ng mga yun, pero hindi talaga ako makagawa...
Tungkol sayo. Masaya ka talagang kausap. Para kasing andami mong alam tungkol sa mga bagay bagay. Parang andami mong pwedeng ishare sa akin tuwing kausap kita. Ako lang naman talaga ee, nakakaboring akong kausap, kasi dati pa man, ako ay hindi nakikisalamuha sa ibang mga tao. Kaya sayang talaga, kung kaya ko lang maging katulad mo tuwing ka chat...
Tungkol sayo. Sure ako, ngayong binabasa mo ito, iniisip mo, nambobola lang ako. Hindi ko alam, pero yan talaga ang nararamdaman ko, Tawagin mo na akong attached, pero parang gusto lang lagi kitang kausap, kasama, kasi namimiss kita. Tawagin mo na akong korni, pero gusto ko lang talagang malaman mong lagi kitan iniisip. Tawagin mo na akong adik, adik sayo? Sorry na, kasama talaga yun sa pagkakorni ko......
Tungkol sayo. Nahulog na talaga ako sa'yo dahil sa mga ito. Kaya, sana, wag ka magbabago aa~~