Patintero -
Tila nakikipagpatintero ako sa pag-asang magiging tayo pa at sa katotohanang wala na talaga. Na kapag nakatawid ako sa kabilang linya mahahawakan kita pero matataya ako at maaalala kong wala na. Wala na talagang pag-asa. Malapit na sana sa dulo pero nataya na. Wala na. Wala nang pag-asa na makatawid at matapos ang patinterong sinimulan nating dalawa. Sa bawat pagtakbo ko papunta sa'yo. Ako'y hinahatid mo na pala ng mga mata mo. Palayo, palayo sa mundo mo. Binilisan ko, hinabol ko ang pag-asa. Pero sa huli hindi ko rin kinaya. Pinilit kong maging buo at itama ang mga mali ko para maging karapat-dapat para sayo. Pero sa bawat hakbang ko patungo sa pinaroroonan mo, nakikita ko. Nakatitig ka walang laman. Walang luha sa mga mata mo. Tila' pinaparamdam mong wala na. Wala nang nararamdaman ang puso. Puso mong, naging bato dahil sa mga nagawa ko. Patawad Mahal, di ko alam bakit umabot sa ganito. Ang dating buo at masayang tayo ngayo'y nakikipagpatintero sa paulit ulit na tayo parin hanggang dulo at sa pagod na ko' hanggang dito nalang talaga tayo.










