Hayy. Awang awa ako sa Mama ko, pakiramdam ko isa ko sa may kasalanan kung bakit siya na-stress na nag-lead sa pagka-HB niya ;-( Nabigla yung katawan niya stress/pagod/puyat samasama na. Kagabe pa ko iyak ng iyak dahil grabe awa ko sakanya, 3 lang kasi kami dito eh. Kaya ako yung nagbabantay kay Mama ngayon, yun lang talaga magagawa ko para sakanya eh. Nag-decide na rin ako na hindi nalang muna pumasok kahit may exam pa ko, natatakot akong iwan si Mama magisa. Akala ko kasi magiging ok na siya ngayon.
Ang iyakin ko talaga, first time ko kasi siyang nakita na nagkaganito. Ang lakas lakas kaya ni Mama o baka talagang tinatago lang niya yung sakit. Pinipilit kong maging malakas para sakanya, hanggat maari di ako iiyak sa harap niya kaso sobrang hirap ambilis talaga tumulo ng luha ko, lalo na pag kinakausap niya ko.
Sa ngayon, ang nagiisang birthday wish ko ay sana gumaling na si Mama para lumakas na siya ulit. <///3