Torpeđź’”
Nandito na naman ako nakatambay isip ko'y nalilito. Bakit hindi maintindihan kapag kasama puso ko'y litong-lito. Ako ay nahihiya, umuurong na naman aking dila. Sa madaling salita walang magawa ako'y patay na patay sayo. Bakit hindi ko maamin laman ng damdamin? Kailan kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob?. Aaminin ko lang sayo, aaminin ko lang sayo, aaminin ko lang sayo kaso meron kang iba. Ang sakit, sobrang sakit sapagkat hindi mo man lang magawa aminin yung totoong nararamdaman mo para sa taong mahal mo sabe nga nila nasa huli ang pagsisisi. Bakit nga ba maraming tao ang torpe?. Oo torpe, bakit nga ba nag exist pa ang salitang ito kung ang dulot lang naman ay ang saktan ang mga taong nagmahal. Hindi masama ang matago o ilihim ang nararamdaman mo sa isang tao. Ang kaso pag naunahan ka ng iba dun mo lamang mapapagtanto na sana sinabe ko na lang simula pa noong una.
Sana, sana, sana puro na lang sana. Sana ginawa mo lang para hindi ka ngayon naghihinagpis na yung taong pinakamamahal at pinakainingat-ingatan mo napunta na sa iba at hindi na magiging sayo pa. Kaya ngayon eto ka kontento, kontento na lamang sa pagiging kaibigan nya. Paano kung imbitahan ka niya sa kasal nila ano ang gagawin mo?. Ipagtatapat ko sa kanya na sa simula pa lang mahal ko na sya. Medyo natagalan nga lang ng pagtatapat sa kung ano ang tunay kong nararamdaman para sayo. Natakot kase ako, natakot na baka pagsinabe ko ang totoo yun pa yung maging dahilan para iwasan mo ko. Kaya pinilit itago ang nararamdaman para pagkakaibigan natin ay tumagal. Pero ito, ito na yung katapusan kase ikakasal kana sa taong mahal mo at alam kong hindi ako yun. Oo masakit, masakit kase hindi ako yung taong ihaharap mo sa altar at hindi rin ako yung taong makakasama mo hanggang sa pagtanda mo. Pero ngayon tanggap ko na, tanggap ko na hanggang kaibigan na lang kita at hindi na yun hihigit pa. Kaibigan kita kaya kung saan ka maligaya susuportahan kita. Huwag ko lang makita na iyang magaganda mong mata ay lumuluha ng dahil sinasaktan ka lang nya. Ika nga ng nakararami mas masakit ang mawalan ng kaibigan kesa sa isang romantikong pag-iibigan. Kaya pakaiingatan mo ang sarili mo nandito lang ako pagkailangan mo ng karamay isang tawag mo lang and I will be there.
Kaya sa mga torpe dyan mapa babae man o lalaki let your voice be heard. Sapagkat walang mangyayari kung patuloy lang ninyong itatago ang totoong nararamdaman nyo para sa taong pinakamamahal nyo. Mas mainam ng sumobok kayo kesa sa hayaan nyo na lang at itago kung ano ba talaga ang totoo. Maging maganda o panget man ang kalabasan ng inyong pag amin at least nalaman nya na mahalaga sila para sa inyo.Walang mawawal sa gagawin mo ang mali ay itago sa kung ano ang tunay na nararamdaman mo. Huwag ng totorpe-torpe para hindi nauunahan ng iba. Dahil kapag hindi mo sinabe mabigat yan sa dibdib na parang isang malaking daga sa iyong dibdin na ang bigat bitbitin.















