Ama Namin/Sapagkat (Pasyon)
Amang nasa kalangitan, Sambahin ang ‘Yong pangalan. Mapasa’min, kaharian. Sundin anh ‘Yong kalooban, Sa langit at lupang bayan. Kami ngayo’y Iyong bigyan, Ng pagkaing kailangan. Igawad kapatawaran. Sa’ming mga kasalanan Sa’ming mga pagkukulang. Katulad ng mithi namin, Na ang kapwa’y patawarin, Kami’y pag-adya Mo rin. Sa tanang tuksong malain, Pati sa masamang tambing.
Sapagkat ang kaharian, Karangala’t kapurihan, Lakas at kapangyarihan, Ay tanging sa Iyo lamang Ngayon at magpakailanman.













