Maraming iba pero mas pinili kong mag-isa
Ang dami nila na kumakausap sa akin. Madaming nagpaparamdam, madaming nagpapakilala at maraming gustong pumasok sa buhay ko pero mas pinili ko na mag isa. Alam ko kasing hindi pa ako handa, gusto ko itong season ng buhay ko na mag-isa ulit ay ito yung time na para sa sarili ko. Oo, malungkot pero gusto kong ma diskubre kung paano ko mapapasaya yung sarili ko kahit ako lang. Na hindi ko kailangan ng ibang tao para sumaya. Hindi pa ako handa na pumasok ulit sa isang relasyon dahil mahal ko pa. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako papasok sa isang relasyon na hindi pa ako handa ulit. Ayaw ko ng dumating sa point na hahanapin ko na naman yung happiness iba tas kapag wala ng saya lahat ay guguho ulit. Gusto kong sumaya kahit mag isa ako, gusto kong mapasaya yung sarili ko ng hindi may kasamang iba. Gusto ko ako yung bubuo sa sarili ko, ayaw ko ng pabuo sa iba. Natuto ako na hindi dapat ibang tao ang bubuo sa atin kundi ang sarili na ‘tin. Mabuti na sigurong mag isa kesa sa papasok ako sa relasyon na hindi naman ako sigurado at hindi ako handa. I guess i’m growing. This is growth, we can’t find love and happiness in out person it should come within ourselves. Ako muna, sarili ko muna bago iba. Gusto ko mahal ko yung sarili ko ng sobra dahil alam ko hindi ako pwedeng mag mahal ng iba kung mismong sarili ko hindi ko mahal. Ako muna.. 09.03.2020 1:17am






