Payo sa Kabataan
Ang buhay maraming ups and downs, hindi laging masaya, misnan malungkot din. Habang tayo'y tumatanda mas maraming malalaking problema ang darating sa atin, kung anong nararanasan nating mga problema ngayon napakababaw pa lang ng mga iyan. Kung sa mababaw na sitwasyon pa lang iniiyakan mo na, paano kung dumating pa ang mas mahirap na sitwasyon? Anong gagawin mo? Sa totoo lang nagsimula ang mga buhay natin nang inuluwal tayo ng ating mga ina, ang mga magulang natin ang nagsilbi nating tagapayo habang tayo ay tumatanda, ngunit pag dating pa lang natin sa pagiging "teenagers" ang nasa isip natin kaya na natin mabuhay na parang matanda, para sa akin ito ang pinakamalaking pagkakamali nating mga kabataan, sinasagot natin ang ating mga magulang, nagsisnungaling tayo, nagbibisyo tayo at napakarami pang pagsuway sa kanila. Kahit ilang beses tayong magtago sa kanila, nalalaman pa rin yan nila dahil pinagdaanan din nila yan. Sa tamang panahon maiintindihan din natin na tama ang kanilang payo sa atin. Pero kailan kayo magsisisi? Magsisisi kayo pag huli na. Pagdating naman sa buhay pag-ibig, napaka apurado nating mga kabataan. Natural lang na magkarelasyon tayo, ngunit dapat hindi natin kalimutan na nag-aaral pa tayo maaaring magsilbing inspirasyon muna ang inyung mga kasintahan, dahil darating din ang araw na kayo mismo ang bubuo nang sarili ninyong buhay pag kayo ay wala na sa puder ng inyong magulang. Sa pag-ibig kailangan mong maging matatag at panatilihing balanse ang inyong buhay. Natural lang na mag effort ang mga lalake sa mga babae, ngunit kailangan din isipin kung mahal ba kayo nito o hindi na. Respetuhin ninyo ang kanilang mga desisyon at higit sa lahat huwag ninyo ibigay ang lahat magtira din kayo para sa inyo. Ang importante ang "TRUST" ninyo sa isa't-isa, dahil habang tumtagal ang buhay mas marami tayong nakikilala at nakikita "SOCIALIZATION" for short, may nabubuong selos, comparison, third-party at kung ano pa. Natural lang daw ang mga yan dahil dito sinusubok kung gaano katibay ang trust niyong dalawa at hanggan saan lang ang inyong kaya. Kung kaya pa ipagpatuloy niyo at kung hindi niyo na kaya huwag niyong pilitin ang mga sarili niyo dahil napakabata pa ninyo at marami pa kayong mapagdadaanan sa buhay. Kung kayo ay mababait, mapagbigay at maalaga sa inyong minamahal ngunit may taong sumira sa inyong pagsasama at nakuha niya ang iyong minamahal, pabayaan niyo lang dahil sa kanya yang kawalan at hindi sayo dahil "YOU DESERVE BETTER THAT THAT". Marami pa kayong makikilala kung mabuti kang tao. Pag-usapan ninyo ang dapat pag-usapan upang kayo ay tumatag. Ang pinaka importante "MAHALIN NIYO RIN ANG MGA SARILI NIYO". Habang bata pa tayo ienjoy lang natin ang ating mga buhay, YOLO lang muna tayo sa ngayon. Mag isip din tayo in "EXTREME MODE", isipin natin ang mga ito, "Kung mamamatay ka bukas, tutungo ka ba sa langit?", "Kung pumanaw bukas ang inyong mga magulang, saan ka pupulutin?", "Kung makahanap ng bagong mahal ang mga bf/gf ninyo, kaya mo ba ang sakit?" at makakaisip pa tayo nang maraming tanong sa buhay. Sa ngayon unahin nating iprioirty ang ating pag-aaral bago ang pag-ibig. Ayos lang mga gf/bf ngunit siguraduhin mo na kaya mong ibalanse ang buhay mo. Maraming ups at marami din downs kaya magpakatatag ka. Bata pa tayo at kung tayo ay depress, marami tayong pwedeng lapitan maari ang ating mga magulang, kamag-anak, kaibigan, kasintahan at higit sa lahat sa ating Panginoon dahil papakinggan niya ang ating mga dasal at hinihingil sa kanya. Kaya huwag muna masyadong magseryoso sa ngayon dahil darating din tayo dyan.















