Nakukuntento ang tao sa mga natatamasa niya sa mga kakayahan na ginagawa niya. Nabubulag tayo sa mga resulta sa pagtitiyaga natin. At hindi na natin nagagawa pang madiskubre kung ano pa ang mga pwede nating magawa. Natural na kasi sa tao na kapag nagawa niya ang isang bagay at may nakuha siyang “reward” mula dito, syempre magstick na siya sa palaging ganon na pangyayari. Hindi na niya napapansin ang ibang abilidad na meron siya at nakukuntento na lamang kung ano ang nakikita niyang kaya niya. Hindi lamang sa apat na sulok ng kahon ang buhay mo. Tandaan mo na pwede kang tumingala at buksan ang takip sa kahon mo. Huwag ka lang makuntento na palagi na lang nasa loob ng lalagyan na yan. Madilim, mainit at pipilitin mo na lang magtiyaga para diyan. Sa ganyan kalagayan mo na lang matatagpuan ang sarili mo. Tumingin ka sa taas, pilitin abutin ang labasan, at sigurado ako, makikita mo ang liwanag na pwede mo palang makamit. Isipin mo lagi na hindi yan ang pwede mong gawin. Marami pa. Alamin mo. Tiyagain mo. Pagisipan mo. Tandaan mo. Ikaw. Mismo. Yang abilidad mo.