M-ArTe ni Peenoy
Blog#2
written: 11:00 pm
posted: 10:17 am
Nasubukan mo na bang pumila ng matagal para makasakay sa MRT? Yung tipong umaabot na sa overpass/foot bridge ang pila. Kung OO, marahil isa ka sa mga manggagawa, magaaral at mandirigmang araw araw na nakikibaka para lang makasakay sa masikip, mainit at magulong Metro Railway Transit (MRT). Naiisip mo rin ba kung nasaan na napunta ang tuwid na daan na pinangako ni Peenoy sa MRT ? Tila ba nabaluktot ata ang railway system ng MRT katulad ng pangako ni Peenoy.
Nitong taon lang, Tinaasan ng pamahalaan ang pamasahe sa lahat ng Public Railway Transit ng bansa para umano sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga ito. Ngunit, dalawang buwan na ang nakakalipas mula ng taasan ang pamasahe , hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago. Mukhang nauBOSS na ng mga taong sinasabing tayo ang BOSS nila ang dagdag pamasaheng ibinabayad ng mga pasahero. Daig pa ng pila sa MRT ang tagal na paghihintay sa masikip na daloy ng trapiko sa EDSA. Ika nga ng mga pasahero, pang-blockbuster na pelikula ang pila sa MRT dagdag pa ang maruming Comport Rooms at Masikip na daanan. Minsan nga eh tipong “basang basa sa ulan” ang nararanasan ng mga pasahero dahil sa butas na bubong ng mrt at minsan pa ay sirang aircon sa loob. Hindi naman hinihingi ng mga pasahero ang bagong MRT ang tanging gusto lang nila ay makita ang pagbabago sa sistema at pagsasaayos upang masiguro ang seguridad ng mga pasahero.
Sana naman ay matupad na ni Peenoy ang pinagako niyang tuwid na daan sa MRT. Mayroon pa siyang isang taon upang mabago ang patakaran sa lahat ng Public Railway sa bansa. Nawa’y makita niya ang paghihirap ng mga pasahero at itigil na niya ang pagmamatigas at kaartehan niya.
Oras na upang itigil ang bulok na sistema sa
M-ArTe ni Peenoy!
without wax,
reyn














