Day 5: Past time mo kapag walang teacher or klase.
Kapag wala namang kailangang gawin, tatahimik lang ako. Hindi kasi ako 'yung taong conversation-starter dahil wala namang mga nakaimbak na kwento sa isip ko. Magmamasid-masid ako sa mga nangyayari sa classroom. Kung may nangyayaring kakaiba, makikiusyoso ako. XD
Magbabasa ng libro o magsosolve ng puzzles. Kung merong provided na libro at puzzle book, siyempre.
Kung gusto naman akong kausapin ng mga kaklase ko, ine-entertain ko naman sila; hindi naman ako isnabera. Maliban na lang sa mga lalaking kinamumuhian ko talaga na kapag i-approach nila ako ay ire-reject ko sila nang direkta sa mga mukha nila.
Kung none of the above, maaaring ginagawa ko ang assignment/s ko. :)