Natandaan ko nung August 2020, sinabi na magkakaroon ng limited f2f sa January 2021 pero pagdating ng January 2021, hindi na nila tinuloy dahil sa Delta variant kaya ang nangyari, sinagad ang pure online distance learning hanggang sa katapusan ng school year. Tapos, sinimulan ang bagong school year nang pure online distance learning kaya ayun, nacall out ng UNICEF. Pagkatapos, doon na inimplement ang limited f2f para sa mga selected schools :’). Ang masaklap, nasa month na tayo na ready na ibang schools sa limited f2f kaso lumala ang cases dahil kay Omicron. sirang-sira na mga estudyante dahil puro delay ang nangyayari.












