Live your life.
Grabe. Ang dami nang namamatay o di kaya eh, nagpapakamatay. Kanina, nung nabasa ko yung blog ni http://knowtherealyou.tumblr.com/ about dun kay ate Ana Monica Sotelo Ybanez, kahit hindi ko sya kilala, para bang isa sya sa mga close friends ko. Nakaka-guilty maisip na nung araw na naghihirap yung ibang tao, ako nagpapakasasa sa mga bagay na meron ako. Habang sinasayang ko yung mga pagkain na nakahain sa mesa, yung iba namamatay na sa gutom. At habang yung ibang tao, winiwish na humaba pa yung buhay nila, ako naman sinasayang yung mga oras sa pag gawa ng kung ano-ano lang. Kelan ko kaya matututunang sulitin at pahalagahan yung mga bagay na meron ako? Nothing last forever.













