2 months from now, 2 years ka na dyan sa Heaven! Napakabilis ng panahon katulad ng lagi mong sinasabi, lilipas din ang lahat at hindi habang buhay makakasama kita. Tumatak yan sa isip ko, kapag nag uusap tayong dalawa. Lagi mong iniisip at sinasabi sa akin, paano ka kapag nawala na ko.. mahirap Mommy simula ng mawala ka napakalaki ng pinagbago ng buhay ko! Hindi ka nagkamali sa mga bilin mo sa akin, marami akong taong nakilala na alam kong totoo sa akin at hindi, marami akong naranasan at yun napakasakit pa eh yun hindi man lang kita mailabas at mahawakan man lang, pero kahit ganun alam ko nasa puso kita at hindi nawawala sa isip ko. Mahal na mahal ko kayo ni Daddy at ni Peachy, kahit na nasasaktan ako kakayanin ko. Soon, kakayanin ko na din mag isa at hinding hindi ko pababayaan sarili ko gaya ng huling habilin mo sa akin. #TwentySeventh #2ndYearInHeaven #OctoberTwoThousandAndSeventeen #SeventySeventhBirthdayInHeaven #SeptemberTwentieth https://www.instagram.com/p/B1qcKmdBdIMM8NskklOn1WwsEOCYq_renFmmpU0/?igshid=1rfwlc55916vk














