Mga Pagbasa ngayong Setyembre 1, 2019 (Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon)
UNANG PAGBASA Sirak 3, 19-21. 30-31
Pagbasa (Pagpapahayag) mula sa aklat ni Sirak
Anak ko, maging mapagkumbaba ka sa pagtupad ng tungkulin, at mamahalin ka ng mga malapit sa Diyos. Habang ikaw’y dumadakila, lalo ka namang magpakumbaba; sa gayo’y kalulugdan ka ng Panginoon. Huwag mong hangaring maunawaan ang mga bagay na lampas sa iyong kakayahan, huwag mong saliksikin ang hindi mo kayang malaman.
View On WordPress











