Wala lang, di pa den kase ko maka-get over sa mga pangyayari kahapon. Hahahaha. Last day ng foundation week kahapon sa school. Binitawan ko yung event na dapat kami ni Ynah yung mag oorganize para sa assessment ng Tesda namin. Panira talaga ang Tesda eh no, lagi nalang. Hahaha. Joke. Nakakatawa lang, na sila nag eenjoy kahapon, tapos kami imbes na mainggit, wala kaming pake at kinakabahan na kami. Wahahaha. Basta yon. Buong araw yung assessment. Walang akong tulog a night before the assessment kasi nagreview nga. Tapos maaga pa pumunta ng school. Odba, natapos na lahat ng program sa school, yung assessment namin, di pa den tapos. Hanggang sa mag gabi na. Palamig na ng palamig yung mga kamay ko sa kaba. Hanggang dun sa interview. Hahahaha. Nakakatawa yung sa interview, kasi nag kwentuhan lang kami ng assessor ko. Tuwang tuwa kasi sya sa pangalan ko. Lol. Tapos ayun nga, puro kwentuhan lang. Tapos tinanong lang ako ng konti. Buti alam ko yung mga tinanong at nasagot ko lahat. Nung natapos na, sabe ko, "Tapos na po? OMG OMG OMGGGGG!!!" Sumisigaw akong lumabas ng room. Tawang tawa sakin yung assessor ko. Hahaha. Kada iniinterview nya daw kase napaka tahimik pag lumalabas tapos ako nagsisisigaw. Hahaha. Tapos ayun, hanggang sa inanounce na yung mga nakapasa. Ang saya saya. Tapos tumawag ako agad kila daddy at mami. Tapos naiiyak nako, kase nanghihina nako nun dahil sa puyat at hindi pagkain buong araw dahil sa kaba pero ang saya saya kase kaya iyak na. Hahahaha ode ayon. Hindi masayadong halata na masaya ko no. Tapos kumain kami ng madami after, celebration ba. Tas nag drive kami sa tz, tss. The best night talaga kahapon. Hahaha ona, daldal koooo