Ang sakit! Ang sakit sakit! Ang saya saya ko kasi after 1 2 3 years ng pagbabasa ng tutorial ay eto na tan tanan!!! Ang time na kaya ko ng magayos ng tumblr ko dahil off ko bukas at pwede akong magopen ng pc na kahit sumakit ang mata ko okay lang. Kaya ibinigay ko na ang lahat! Ang lahat ng natutunan ko, kahit hyperlink at image lang kaya kong ilagay. Akala ko okay na? Naging masaya nga ako dba? Pero bakit naman ganun, iniwan mo ko, naglaho ka ng parang bula 😭 DI KO NASAVE! Kahit naibuhos mo na ang lahat lahat kung di mo naman kayang magsave para sa sarili mo maglalaho nalang yan! Kaya eto lahat ng ginawa ko isang iglap lang NAWALA na ang LAHAT! NAGLAHO BIGLA! Bakit? Bakit? DI KO NASAVE! Di pa din ako natuto hanggang ngayon, alam ko naman e, alam ko na pag binigay ko ang lahat lahat ako lang din ang masasaktan! Pero pinilit ko pa din ang sumugal, OO ako na ang stupid! Alam ko naman e.












