Sa tindahan....
Ako: Ate nagloload ba kayo?
Ale: Smart? Globe? o Sun?
Ako: Globe po.
Ale: Magkano?
Ako: 30 pesos lang po.
Ale: Pasulat na lang ako ng number dito. (sa isang notebook.)
[Matapos ang ilang minuto dumating na yung load.]
Ale: Pasulat ako ng name mo dito sa notebook.
Ako: Ha? (Seriously, kelangan ba talaga? Fine para matapos na.)
Ale: Ikaw ba talaga to? Sayo ba yung number na pinaloadan mo?
Ako: Opo.
Ale: Kamag-anak mo ba si ______?
Ako: Hindi? hindi ko po kilala. (WTF! Nagpapaload ako ndi ako pumunta sa tindahan mo para makipagchikahan!)
Ale: Ahh, kahawig mo kasi eh kaapelyido mo pa.
Ako: (kamusta nman daw yun? Kelangan ba yun para loadan ka? HAHAHHA!








