Miss ko na si papa.
Lagi kasi siyang wala sa bahay eh.. nagiging madalas na yung hindi siya umuuwi dahil pumupunta sila sa malalayong lugar para asikasuhin yung mga pwede nyang pagkakitaan. Yung tatay ko kahit walang permanenteng trabaho yan magaling naman dumiskarte, di katulad ng iba diyan tatamad tamad. Talagang pinagsisikapan niyang mas guminhawa ang buhay namin. Kahit napakasungit nun minsan iniintindi ko nalang kasi lagi lang siyang pagod kaka trabaho. Aaminin ko minsan naiinis ako sakanya kasi di niya ako naiintindihan. Pero ayun, mahal na mahal ko sila ni mama at napaka swerte ko na sila naging mga magulang ko.














