Sana pala hindi ako tumigil magsulat ano. Para kahit papaano maramdaman kong may purpose at silbi ako sa buhay. Hindi ko na alam, pero parang nauubos lang lahat ng oras sa wala. Lumilipas lang ang panahon pero nakakulong pa rin ako sa sariling isipan na wala akong magagawa kung hindi tumingala’t tumanganga nalang habang nauupos ang lahat.
Ano na ba, haha. Madami akong gustong gawin, pero hindi ko alam bakit hindi ko sila kayang gawin.
Magulo din talaga e ‘no.















