Sa isang saglit, muling napangiti ang mundong dati’y puno ng lungkot
Binalot mo ng pag asa ang pusong nalulugmok.
Pinuno ng ligaya ang bawat araw na dumaraan
Pinangako mo na ito ay magpakailanman.
Sa isang saglit, ako ay muling umasa
Na muli ay liliwanag ang mundong puro kadiliman na
Ikaw ay pinatuloy, pinahalagahan at minahal
Ngunit di inaasahang, hindi magtatagal.
Sa isang saglit, ikaw ay biglang nagbago
Lahat ng mga sinabi tila ba biglang napako
Alam kong wala akong karapatan na maramdaman ito
Pero ang puso ko ay sobrang dinurog mo.
Sa isang saglit lang, gustong muli kang makita
Upang maitanong, ni minsan ba ako ay naging mahalaga
Ni minsan ba, ako ay iyong minahal?
O iyong naalaala lang dahil iyong kinailangan