Ayoko sa Date na February 14😔
It's February 15, 2017 Kumusta naman ang valentines day mo kahapon? Napapaisip kasi ako. Sa dinami dami ng mga nakita kong couples namy hawak na roses at lobo, alam kong merong mga taong nag mumukmuk kasi nag iisa sila ngayong araw ng mga puso. Siguro yung iba naging theme song na pansamantala yung 'I DON'T WANNA TALK ABOUT IT' ni Rod Stewart kasi siguradong relate na relate (R na R) tayo sa kanta niya ang sabi, 'I don't want to talk about it, how you broke my heart. If I stay here just a little bit longer, If I stay here, won't you listen to my heart, whoa, heart?' Hay naku ang sakit. Nakakamiss. Nakaka-ina! May gosh saklap ng buhay natin mga besh! Pero yung iba naman tatalon talon sa tuwa ang kanilang mga puso dahil yung theme song nila is 'I DON'T WANNA LIVE FOREVER', ni Zayn at ni Ty Ty, buti pa sila ala Anastasia Steel at Christian Grey ang mga buhay nila. E tayo?, paano na tayo? Kahit ba salitang tayo hindi ko na harapang masabi sayo kasi baka sabihin mong wala na tayo. Alam ko na yun pero mas masakit pa rin pala talaga pag pinamukha mo sakin na ang tayo naging ikaw at ako nalang 💔










