Alam mo bang selos na selos ako nung nakita ko yung post mo about sa kanya, sa inyong dalawa. Sabi mo siya yung nandiyan since the first day of school. Paano naman ako? Hindi naman ako yung lumayo ah. Kapag magkasama tayong tatlo, feeling ko, ako lagi yung third wheel. Sakit nun pre. Alam mo bang natatakot ako sa mga pwedeng mangyari next SY? Natatakot ako na makahanap ka pa ulit ng iba. Ang childish ko ba? Di ah. Ayaw lang naman kitang mawala eh. Alam mo bang naiinggit ako sa inyong dalawa? Alam mo bang naiinggit ako sayo kasi kapag nagkakaroon ka ng kaibigan, di ka nila iniiwan. Ako kasi, lagi akong naiiwan eh. Lagi akong iniiwan. Feeling ko ako na lang mag-isa. Feeling ko wala akong kakampe. Please naman oh, wag mo rin akong iwan. Please? Sorry kung andami kong pagkakamali at kalokohan. Sorry.








