Untitled
Natutunan mo na ngayong gamitin ang mga sarili mong pakpak. Ikampay mo sila at lumipad sa kataasan ng mga ulap. Abutin mo ang mga bituin, wag kang matatakot. Wag mo nang hayaan ang sarili mong muling magapos sa mga relasyong pumipigil ng paglipad mo. Kung balang araw ay magkamali ka at maging masakit ang iyong pagbagsak, bumangon ka muli at subukang lumipad. Ang tanging sikreto ay wag kang titigil sa pagabot ng iyong mga pangarap.















