Things happened. Things ended.
“Tandaan mo, itinataga ko simula ngayong araw na to, hindi na tayo”
“Sana hindi nalang kita shinota”
“Hinding hindi na kita mapapatawad”
“Espesyal ba talaga ako sayo?”
“Mata sa mata, wala ng tayo”
Kung sabihin ko sayo ngayon na wala naman na talaga ako nararamdaman, wala nakong nararamdaman sa buhay ko kaya ako nagkakaganito? Yung tipong lumalakad ang araw sumasabay lang ako sa agos ng panahon, hindi ko alam kung ano gusto ko, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, natatakot ako sa mangyayari bukas kaya aligaga ako, hindi ko alam pano sumunod, hindi ko alam kung anong kaya ko. Maiintindihan mo kaya ako? Mapapatawad mo kaya ako? Araw araw nalang akong nilalamon ng anxiety ko. Araw araw nalang akong parang tanga dahil hindi ko macontrol yung sarili ko, may problema ako sa sarili ko. Hindi nako healthy, marahil physically oo pero itong utak ko, itong emosyon ko, itong pag-iisip ko hinding hindi na :(
At bago mo sabihin sakin na “Hindi narin naman tayo nagtuturingang magshota” minsan kaya naisip mo rin na kamustahin ako, kasi baka matagal na kitang hinihintay, matagal nakong uhaw na uhaw sayo bilang girlfriend ko, baka mas nauna pa nga ako sayong makaramdam ng nararamdaman mong yan. Oo araw araw tayo naguusap pero hindi mo ba napansin, kelan tayo nagusap ng mahinahon, kelan tayo naglambingan, kelan tayo nagusap ng labas ang school sa buhay nating dalawa? I need you. Kailangan ko ng makakausap ng tungkol sa buhay, at kung sinasabi mong “Sino ba syota mo, si R**** o ikaw”, dahil ba lagi ko kausap siya, lagi ko kasama? Dahil naiintindihan nya yung pinagdadaanan ko sa problema ko sa sarili ko, na una palang hinahanap hanap ko sayo pero yung nakukuha ko “Ano ba naman yang tanong na yan”. I’m at my worst pero asan yung girlfriend ko?
Kilala kita, pero hindi ka rin naman ganan dati ah. Ayaw na ayaw mo akong iiyak, ayaw na ayaw mong masasaktan ako, dati rati nga sabi mo nung nasa sementeryo tayo ng birthday ni daddy, sabi mo “Hinding hindi kita hahayaang masaktan nino man”. Hinding hindi ko yun makakalimutan dahil ikaw palang yung unang tao na nagsabi at nagparamdam nito sakin.
“Hindi ko nga naramdaman na espesyal ako sa mga birthday ko” HIndi mo alam sa tuwing magbibirthday ka, inis na inis ako sa sarili ko. Oo tama ka, bakit nung mga birthday ni I** dati grabe akong mang surprise, grabe ako mageffort. Oo dati yon pero nung girlfriend na kita hindi mo ba napapansin na hindi lang sa birthday mo ako nabablanko, alam mo pati sa pamilya ko na to the point na ikaw pa yung nagsasabi sakin na “Bilhan mo ng ganito, ganan,”, “Ay yun lang gagawin mo?” Naiinis ako sa sarili ko bakit dati punong puno ako ng idea sa mga ganang bagay tapos ngayong mas may dapat akong paglaanan bakit wala akong magawa :( Alam mo yung anong pilit at kagusto ko na maging espesyal ang araw mo sa paraang gusto at kaya ko bakit hindi ko magawa. Pero at some point sana wag mo rin sabihin na “Yun lang yon? Effort na yon?” Oo hindi ko man maisukli at mapantayan lahat ng mga bagay na ibinigay at ipinaramdam mo sakin sana maisip mo din kung ano yung bagay sa likod ng mga yon, mga bagay na isinakripisyo ko para lang takasan yung kabobohan na meron ako pagdating sa ganon. Thank you for everything. Salamat sa pagpaparamdam mo sakin na once in my life someone did those things for me, Sobrang naaappreciate ko lahat ng yon, sobrang nagpapasalamat ako don dahil kung may hilingin ako pag birthday ko, ibinibigay mo. Pasensya kana kung hindi ko magawa yun kahit gustuhin ko pero yung allowance ko hindi sapat, oo mahina ako dahil bakit nga ba di ko makuha sa atm ko... Natatakot akong kwestyunin ako at kung ganun pa man gusto kong mismong ipon ko, mismong galing sakin. Pero sinasadya siguro talaga ng pagkakataon o sadyang katangahan ko lang dahil hindi ako marunong humawak ng pera.
“Dati rati naman di ka naman ganan ah, di ka nagrereklamo pag may ipapagawa ako”,
Thank you dahil may isang ikaw na dumating sa buhay ko na kahit alam kong ilang pagtitiis ang tiniis mo bago mo bitawan ang salitang “Wala ng tayo” alam ko kung gaano mo iningatan ang salitang “Konti pa”, “kaya pa” hanggang sa nasagad kana. Ang bilis lang. Ang bilis mo lang sumuko para sa ating dalawa. Wala akong karapatan para kwestyunin ang rason mo kung bakit ka bumitaw dahil at first place kasalanan ko at wala ako sa paa mo na nakakaramdam na para bang “pinabayaan moko”, pero nalulungkot ako dahil sa isang pagkakamali na nagawa ko ay tuluyan mong hindi na ako kayang patawarin at kaya mong bitawan ng tuluyan ang aking mga kamay sa piling mo. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala ako magawa, naiinis ako dahil bakit ganito na para bang isang building na binuo ko at dahil mahinang klase ang materyales ko, gumuho ito at lahat ng pinagpaguran at pinaglaanan ng oras at panahon ko ay maglalaho nalang ng tuluyan. You were my first, the first to love me, the first to had romance with, the first to treat me that I am that “special someone”. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi ako nagsisisi na naging girlfriend kita dahil kahit gaanong suntok, sigaw, mura, panduduro, kurot ang naramdam ko sa tuwing galit ka, ikaw parin yung nagiisang tao na nagpakita at nagparamdam sakin kung gano kasarap ang magkaroon ng kasintahan, yung nagiisang tao na ikaw lang yung nakikitang katangi tangi sa karamihan, yung isang tao na magpaparamdam sayo na ang sarap gumising sa umaga at mabuhay dahil mayroong nagaantay sayo upang buuin ang araw mo. Salamat salamat. At sana hindi man sa ngayon, sana dumating yung araw na magagawa mo akong patawarin sa lahat ng aking kahinaan, sa lahat ng aking mga kapalpakan at sa lahat ng aking mga pagkukulang. Maraming salamat at hindi ako magsasawang pasalamatan ang langit dahil nakilala kita. I may not be the best, I may failed you not just once pero lagi mong tatandaan na minsan sa buhay mo rin merong isang ako na minahal ka ng buong buo, may isang tao na handaang magsaripisyo ng ibang bagay para lang makita yang mga ngiti na bumabalot sa iyong mga labi. At ngayong ikaw na ang nagdikta ng ating kinahinatnan wag mo sanang pababayaan ang sarili mo, at kung darating man yung taong mamahalin mo muli, sana lamang ay mahalin ka rin nya ng higit sa pagmamahal na ibinibigay mo, sana mapunan nya yung mga naging pagkukulang ko sayo, sana wag ka nyang lolokohin at wag na wag ka nyang iiwan kahit anong mangyari. Masakit man sakin pero wala, kailangan kong tanggapin dahil sabi mo nga, may isang salita ka, at kahit anong gawin kong yakap sayo alam kong bibitawan at bibitawan moko. Patawarin mo ako. Akala ko nung nagtext ka sakin nung new year akala ko it will be the start of something new. pero I never thought that it will be the last year that there will be an us. For one the last time, I wanna call you mine, Sorry Bebi, sorry My Golden Star. I love you always.