11|13|15
Normal mag-away. Normal magtampo. Hindi ako tatahimik pag alam kong may mali. Hindi masasagot ang problema non. Kung naiiyak ako, hindi ko itatago yun. Para alam niya kapag nasasaktan na niya ko. Ganun din naman siya, pag matigas ang ulo ko. Di rin pwedeng palaging nagpapasensya, di pwedeng okay lang. Mahirap nang naabuso.
Ang saya ko nung gabing yun. Part I
Nag-away kasi kami, wala akong nagawa naiyak nalang ako. Siya, ineexpect ko papatulan niya ko pero wala ako narinig. Niyakap niya lang ako, sabay sabi “Tara, kaen tayo sa labas. Di kapa kumakain eh.” Sa isip ko 11:40 ng gabi, san naman kami kakain? Ah baka sa tapsihan na lagi namin kinakainan. Bukas pa naman yun. Feeling ko way niya lang yun ng pagpapatahan sakin kaya pinatulan ko na. At, gutom na din ako. Hahaha.
Mamasa masa pang mga mata ko. Hikbi pa din ako ng hikbi. Habang naglalakad, sa iba kami lumiko. Nagulat Ako pumara siya ng bus. “oh san tayo punta?” Sabi ko. “sa pearl drive.” Sani niya. “pearl drive lang bus pa?” Pero wala na kong narinig na sagot niya. Habang nasa biyahe, napapatawa na niya ko. Kinukulit na niya ko ulit, sabi ko sa isip ko “Alam niyang mali niya kaya peace offering niya to.” Pinunta niya ko dyan, nagulat ako kasi di naman kami nag-iinom ng ganyan. At isa pa dalawa lang kami. Ano to? Date? Hahaha.
At instant date nga ang nangyare! Ang sarap ng pakiramdam. Kakwentuhan ko siya, late na pero nandun pa din kami nakikikanta sa bandang nasa harap. Nalimutan kong nag-away kami. Ang saya kasi naglaan siya ng oras ulit sakin. Yung akin lang. Kami lang. Ako lang inaatupag niya. Bawing bawi na siya. Hahaha. Feeling ko I am this very difficult maze, na kahit nakakainit ng ulo at nakakabugnot akong alamin. Pero paborito niya parin ako. I am his favorite maze. Ganun pakiramdam ko. I am very complicated and never easy pero parang alam na alam mo kung pano sistema ko.
Ang saya ko nung gabing yun.











