Ilang beses binanggit ni Pangulong Aquino ang salitang 'wangwang'?
Charot! Medyo naiintindihan ko naman ang SONA ni Pangulong Aquino pero noong bandang huli ay inantok at nakatulog ako. Haha! Sorenaha?
Ilan sa mga binigyang pansin sa ikalawang SONA ni Pangulong Aquino ay ang mga sumusunod:
Aasahan ang mas murang kuryente.
Tamang pagbabayad ng buwis.
Pabahay para sa mga pulis at sundalo.
Konting bilang ng ninanakaw na kotse at motor.
Kampanya sa Human Trafficking.
Job mismatch na tinutugunan ng gobyerno.
Pagtanim ng kape at cacao, pangontra sa baha.
1B ang ginastos ng PAGCOR para sa kape.
Conchita Carpio-Morales, bagong ombudsman.
Maraming nabitin sa SONA ni Pangulong Aquino dahil maraming naghihintay nang pahayag niya tungkol sa Edukasyon sa Pilipinas, ang issue tungkol sa RH Bill, K+12 program at marami pang concern ng taumbayan.
Ayon sa pagkakaintindi ko sa SONA ni Pangulong Aquino, masyado siyang nagfocus sa mga problema o naging problema ng bansang Pilipinas at ang mga nagawang pagbabago/improvement ng kanyang administrasyon hanggang sa kasalukuyan (sa loob ng isang taon).
Nagbanggit din siya ng ilang bagay na plano niya para sa kinabukasan o sa mga susunod pang taon sa pamamahala niya. Pero paano niya nga ba gagawin ang mga bagay na pinaplano niya para sa mga susunod na buwan at taon? Anong mga konkretong programa ang gagamitin para maisulong ang bansang Pilipinas? Saan ba papunta ang matuwid na daan? Mapapanatili nga ba ang mga improvement na yan kahit hindi na si Pnoy ang pangulo sa susunod na administrayon?