may nalaman ako *
Ngayon ay isang araw na imposible ko nang malimutan.
Ika-sampu ng Agosto, taong ito. Pangalawang beses na nasilayan ka ng mga mata. At ngayon, hindi lang kita basta nadinig at nakita. Nadama ko pa'ng init ng 'yong mga palad.
Una kitang nakita sa PPUR. (Puerto Princesa Underground River) concert. At ngayon, taos puso akong nagpapa abot ng aking pasasalamat sa Sonic Boom PH dahil tunay ngang hindi sila pumalpak sa pag hahatid ng musika sa loob ng walong taon at ang maganda do'n, nandun ka. Naroroon ka, Sir Bullet.
Napaka husay, Sir Bullet. Napaka husay mo. Pasensya na, hindi ko talaga alam ang sasabihin at hindi ko na din maisip ang sasabihin nung nasa harapan na kita, nung kahit papaano nagkalapit tayo nang mga...3 o 4 a pulgada. (Alam mo, iniisip ko pa din kung nalapitan nga ba kita? Nahawakan ko nga ba ang 'yong mga kamay ng aabot sa mga tatlong segundo?) Ah di bale na. Basta, malaki ang pag hanga ko sa'yo, Sir Bullet Dumas.
Teka, totoo pala. May piktyur tayo, Sir! 'Yon na lang ang tanging proweba na tunay ngang naka usap ka. Tunay ngang alam mo ang apelyido ko ng banggitin ko ang masangsang kong pangalan. Tunay nga sir. Lalo lang lumalim ang paghanga ko nang narinig kita ng mas malinaw..at naaninag ka nang malapitan. Salamat.
Kung hindi lang sa Binondo ang event at kung may kotse lamang ako, hihintayin kong matapos ang event. Kaso hindi, kaya napa uwi ako.
Ayaw mo pala ng whole body picture, Sir.*
hihihii















