“Staycation” the newest term commonly use by some people na stay in sa bahay ngayong summer vacation. Nabasa ko lang din ang term to.
Summer ngayon at nandito lang ako sa bahay pagkatapos ng madugong pag aaral last sem dahil sa thesis at makatunaw utak na mga exams. Tumataba ako na walang kalaban laban dahil sa oversleeping at over eating.
May mga bagay akong hirap tanggapin at di ko lubos maisip kung bakit ito nangyayari sa akin. Hahahaha ito sila oh:
1. Sa wawa dam. Wala pa din family outing. Kung magkakaroon man, ramdam ko na may trabaho na ako sa mga panahon na yon. Wawa naman.
2. Hindi makagala with friends. Puro alikabok at singkong butas laman ng wallet ko.
3. Surfing. Ito lang ang tanging nagagawa ko. Yes, surfing. Surfing the internet. Hahaha puro kaweirduhan na ang mga nakikita at nababasa ko.
4. Friends are posting their summer bods, beaches, out of town trips and then there’s me posting needs and wants, random stuffs and weird selfies. As always
5. Nabutas yung tanging inflatable pool kung saan kasya ako. Hahahaha
6. Kain-Tulog-Di Makagala lampera. Kaya kain-tulog lang talaga.
7. Last but not the least, nangingitim na ako agad. Di pa ako nagsiswimming. Nangingitim ako kakabili sa tindahan tirik ang araw kapag inuutusan ni nanay. Hahaha walang kalaban laban.
Ps. alam kong mas marami pang bagay na mas importante kesa sa mga to. Sinasabi ko lang naman kasi bored ako :)