Hindi ka man tapat sa Kanya Hindi ka man palaging nakakaalala sa Kanya Hindi ka man kasing lakas nang inaakala ng iba; Nabibigatan ka man sa dami ng problema Malapit ka nang sumuko pero pilit na lumalaban Ayos lang kung may sakripisyo, basta may patutunguhan Lahat kakayanin malampasan lamang ang kaguluhan Lahat haharapin mabigyan lamang Siya ng kaluguran Siya na unang nagbigay ng pagmamahal Siya na unang sumugal Siya na unang nagsakripisyo para sa makasalanan Siya na hindi inalintana ang pagka-Hari para sa iyo at sa akin Karapat dapat Siyang purihin Karapat dapat Siyang sambahin Ikaw man ay nagkukulang Si Hesus, kailan man, hindi magkukulang Palagi ka mang nakakalimot, Si Hesus, kailan ma'y hindi makakalimot Natatakot ka man sa mga problema, Si Hesus ay Iyong kasama Mahal ka kasi Niya, kahit na ganyan ka.
KAHIT NA











