#sonyxperiaz3compact #sulitinNatin

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Yemen
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Russia

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Germany

seen from T1

seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Netherlands
#sonyxperiaz3compact #sulitinNatin
Time-in
Oyyyy ahhh! Wala kahapon pa kasi kinakanta to ni Maythan Pangan. NakakaLss ng onit, sobrang onti lang naman. Tapos biglang boom!
Time in daw, db sa bandiclock yan? Para malaman kung anong oras ka pumasok at umalis sa trabaho. Dyan malalaman kung on time ka ba lagi. Pano kaya kung lahat ng estudyante eh kailangan din mag bandiclock? Ang hustle no! PANGET! Kasi malalaman pag agad pag late ka at nag cut ka db? Kung ating titingnan, sa oras lang talaga tumatakbo ang lahat. Sa ilang oras na iniuupo ko dito sa harap ng pc may mga oras na nasasayang sa buhay ko. Kasi may exam bukas pero di pa ako nagaaral. Sabagay madali lang manghula Lol. Pero ok lang naman lumipas ang oras ko dito. Kasi napapabasa ko sainyo yung mga natakbo sa isip ko (Kahit isang tao lang naman talaga natakbo dito, sht landeee) HAHA!
Oo, sa oras lahat natakbo. Bawat taon, buwan, linggo, araw, oras, segundo ng buhay mo mahalaga. Hindi yan parang LRT na pag lumampas sa harap mo eh mamaya babalik din. Para yang sanitary napkin, sa oras na magamit na hindi na pwedeng itake two. Aba mahiya ka naman no ano ka gamol. Kadire Haha
Ang dami nating sinasayang sa totoo lang. Lahat, kasi sa buong araw na dumaan bilangin niyo nga yung makabuluhang bagay na nagawa niyo para sa sa bansa? bayan? sa paaralan? sa bahay? sa pamilya mo? Oh ano ilan? Db puro lang naman para sa sarili mo halos lahat? Oo, dyan natin pinaiikot lahat, "SAYO" lang. Minsan mo lang maisip ang iba. Ang tao sadyang makasarili. Hindi mo na maaalis yan sakanila. Pero pwede mo namang bawasan yung sayo db? Pwede din naman hindi puro ikaw, try mong ako o siya, o kaya naman sila. Parang ang gaan non sa pakiramdam.
Sabi nga nila YOLO. You Only Live Once. At sa isang beses na yon OO dapat maging masaya ka! Ienjoy mo lahat! Pero pwede mo naman ishare yong enjoyment mo sa iba db? Ang sarap tingnan kung lahat ng tao sa mundo nakangiti kasi masaya sila lahat. Isang mundong walang hinanakit. Isang beses ka lang mabubuhay! Wag kang mabuhay sa unsyami at kung ano anong problema.
Kung magkakaroon ka ng super powers ano gusto mo? Kadalasan ng mga tinanong ko noon eh maging invisible daw para makatulong sa kapwa, para makagala. makakupit at kung ano ano pa ng hindi ka nakikita. Pero ang sagot ko gusto kong CONTROLIN ang ORAS :)
Bakit? Kasi ang tao masyado tinetake for granted lahat! Lahat sinasyang! Hindi nila alam ang halaga ng bagay hanggang hindi ito nawawala. Hindi nila alam kung gaano kahalaga ang oras. Kasi kahit kailan hindi mo na maibabalik ang nakaraan! Kung kaya kong icontrol ang oras hindi ko susubukang baguhin ang nakaraan. Pero tuturuan ko sila kung paano pahalagahan ang pangkasalukuyan :)
Sabi nga kasi ni Father sa homily niya kahapon na oo malapit na DAW yung sinasabi nilang katapusan ng mundo. Pero bakit ba natin to pinoproblema? Eh masyado na nga kasi tayong nasayang na oras! Imbes nga namang problemahin natin ang pagkawala ng mundo eh di sana problemahin at bigyang pansin natin kung paano aalisin ang kamunduhan sa mundo! :D
Oh ano? Magtime-in ka na, sulitin mo na habang di ka pa nagoout. Tapos sa records mo malalagay don yung mga nagawa mo na hindi para sayo pero para sa iba :) Sana daw alam mo na yung halaga ng oras mo sa mundo. Yung natitirang oras ng buhay na hiniram mo sakanya. Oo tama ka, si Lord God yung nagchecheck sa bandiclock. Siya ang humuhusga sa lahat. Sa tingin mo ba sapat na yung narecord mong kabutihan? Kung OO aba eh di dagdagan mo pa! Kung HINDI naman eh aba simulan mo na! Bilang na oras mo :)