Kahit 7:00am to 11:00am ang klase ko 6:00pm na ako nakauwe. At take note 30 mins lang yung klase ko kasi di kami sinipot ng iba naming prof. Naisipan namin tumambay sa Cha Dao since wala naman kami pupuntahan. Tas bumili din kami cake sa Pastry Chef. Grabe ang sarap ng Decadent chocolate cake + Oreo cheesecake. Tas Peach Mango Yakult Tea with Popping Boba ♥
Naglaro kami ng Jenga tapos si Kristel bulilit ang laging nakakabagsak ng mga blocks. Haha. Ayan na yung pinakamataas na kinaya namin. ♥
Mej low quality. Hihi. Sakto nung paalis na kami nung 1:30pm nila Bebe tel at Bebe hanna. Biglang dumating yung hs friends ko. Si nay Gatchi at nay Armin. Nagpaiwan muna ko kasi gusto ko sila makabonding sumunod na lang ako sa Mcdo kina hanna at tel kasi may kelangan sila hintayin. Usapan 2:00pm susunod ako. 2:30pm na ata ako nakadating. Haha. Pinoy na pinoy. Pagkadating ko Mcdo umalis na si Hanna kasi may lakad pa tas naiwan kami ni tel. Nagpasama si tel sa BulSu kasi huhuntingin namin yung hudas nyang ex. Haha. Sorry not sorry. Tas iyon nakuha na namin yung kelangan nya kuhanin. Cinontact naman nya si Drew para mapagsabihan ng problema. Sakto naiwan ko yung payong ko sa Cha Dao kaya kinelangan namin bumalik. Pag balik namin buti andun pa si nay gatchi at armin. Tas iyon nagkayayaan sa Cabanas mag-inom. Sa Cabana Grill. Naka dalawang bucket ata ng Red Horse. Tas sisig at maraming maraming FRIES ♥
Umuwe kami ng 6:00pm kasi sobra nadin, ang aga ng uwian ko ginabi ako. Di bale nagpaalam naman ako kasi parang advance celebration narin ni nanay gatchi kasi 19th birthday nya bukas. :D
Ps. Di ko ma-tag si Drew at Nay Armin. Kasi si Drew wala namang tumblr. Si Nay Armin naman suki ng pagdedeact yun e. Kaya di ko alam kung ano talaga account nya.
Isa pang PS. Di ko pa maupload yung pictures nung nag puntang Cabana Grill kasi di pa nag uupload si nay gatchi. hihi. so to follow na lang. :D