Pwede bang yung blogger muna? Siya kasi yung unang babaeng naging sobrang crush ko dito sa tumblr. Napakabait at napakaganda niya. Simple lang yung blog niya pero full package na, lahat nandun na. Masaya nga tumambay sa blog niya eh, dati lagi akong tumatambay dun kapag may free time ako.
Pagkavisit ko sa blog niya akala ko kapatid ni ate Edlyn, hawig kasi eh. Nakakaantok pero maganda yung bg music. More on personal post, past experiences.
Ang maganda kong ate meg pero minsan ate marg tawag ko sa kanya. Simple lang blog niya pero nakakaamaze na mga post. Personal then mga experiences niya sa high school life or sa kahit saan. Mga saloobin at kasweetan niya kay kath(verticallychalenged24)
Simpleng blog pero minsan bahang-baha sa mura. Chos~ more on personal post. Nakakatuwang mga reklamo sa mga teachers nila ^______^v(Dapat kasi yung lovelife nila ni Aira nandyan eh, joke!)
Balita ko famous to eh. Ang cute cute ng blog niya kasi color blue *u* Maraming fanpages ng anime meron to eh kaya hindi na nakapagtataka kung may makikita kang mga anime sa blog niya. Magaling na blogger to wag ka! Ganda ng bg music. Nakakatuwa yung lovelife neto eh.
Ang mame kong Diyosa. Magaling na blogger tapos mahilig mangrampa ng kanyang kagandahan. Sobrang bait...Bonding moments with her babe, haha si Shorty. Madalas mag-entertain ng anons yan, walang sinasanto pero siyempre hindi lahat. ~Miss you mame :* <3
Ang magandang si ate Rio. Url palang nakakagutom na *u* Masarap din magbackread dito, promise. Lahat nakakaenjoy basahin tsaka may sense talaga :)
Ang aking Rima~ True love really waits. Grabe, ayaw niya sa dilim. More on oneliners tapos may reblogs din then personal posts. Miss you Rima :* <3
Sorry kung late nasa bakasyon kasi ako ngayon.