Mommy: Anak, best effort ka ngayon, ha? Uwi ka by 3 PM please.
Eating lunch with Reena, Jairus and Bang after a very long time. Jairus saying I love you Clang friend and I will miss you Clang friend over and over again.
Pleasant surprises. Seeing people you hoped you'd see but didn't expect to be actually at school. Yung tatanungin ka ng mga tanong na alam mo naman kung ano ang sagot/gusto mong isagot pero you choose to not answer. At least, not yet. Hoping you'll see those people again, soon.
Yung makikita mo ang mga taong tulad ni Marvin Espino na may kakaibang lambing na taglay. Him squishing your arms, offering to buy you instead of himself a drink, waiting for you to come back to Lara before he finally goes home.
That LRT ride home from school, perhaps the last one ever *sniff sob* with calamity buddy Jill and Chuck. Pag-postpone ng pagbaba sa tren. Pagyaya na pumuntang SM or Trinoma. Yung feeling na you're dying to say Yes you want to go there with them, pero you can't because of your obligations, and because may hindi mawala-walang sense of urgency sa lahat ng bagay na ginagawa mo. Hoping the offer would still stand and that the SM/Trinoma trip would happen someday, soon.
Manong tricycle driver: "Alam mo, ngayong araw na ito, buong araw ha, wala ni isang pasahero na nagawi sa pupuntahan mo. Ikaw pa lang."
Yung feeling na napaka-unfair ng mundo. Na hindi ka dapat nahihirapan, nawiwindang, nagmamadali, nanghihinayang, nagtitiis, nagpipigil, nagpapakamartir. Na ang pagiging miserable mo ngayon ay dahil sa ilang mga nilalang na dapat pagsama-samahin na lang sa isang maliit at walang bintanang kwarto at dapat sunugin ng sabay-sabay ang mga kaluluwa dahil sobrang sama nila sa iyo at sa pamilya mo. Na dapat masaya ka ngayon at magaan ang pakiramdam mo pero hindi dahil sa mga bwisit na mga taong yun na pinapangarap mong sa hinaharap eh makakaharap mo para i-confront at isampal sa kanila ang mga kwento at kasinungalingang walang pagod nilang ibinabato sa inyo. You don't usually wish for people to vanish into thin air and disappear from the surface of the earth forever because you were not brought up like that, but at times like this when you stop and think, you wish you can bring matters into your own hands and deliver justice right then and there.
Yung feeling na alam mo namang may mga taong handang makinig just in case you decide to finally break down, pero ayaw mo silang abalahin dahil for sure may mga problema din sila. So you end up having no one to talk to but yourself at the end of the day.
"Nakakabaliw ang buhay na ito."
Ate na naka-red na katabi ko sa jeep: "Masakit na po siya sa ulo, pero suspension muna. Ayoko muna siya i-pull out dahil gusto ko siyang bigyan pa ng chance, at last chance na niya ito. Kasi gusto kong magbago siya, at gusto kong sa pagbabago niya, kasama niya ako."