Tadhana talaga, mapaglaro.~
Natatawa nalang ako sa tadhana. Masyado akong pinaglalaruan. lalala.~ Kung nabasa mo yung last post ko, malamang nagtataka ka kung sino yung nakita ko kanina. Eto na't isasaad ko na ang mga nangyari... Habang gulubg-gulo na kami kakahanap ng regalo, may natanaw akong isang pamilyar na tao. Isang taong laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko sa tuwing makikita ko siya. Gusto ko man iwasan, at lumihis ng daan, wala na akong magagawa. Huli na ang lahat ang para iwasan siya. At ayon na nga nagkasalubong kami. Wala sana akong balak pansinin siya, kaso ngumitti na siya, kaya ngumitti nadin ako at kinawayan siya. Nung nagkalampasan na, himiwalay siya sa mom niya, lumapit sakin. Sa sobrang kaba ko, at ayaw ko siyang makausap, di ko na naintindihan ang sinabi niya.. "Kamusta ka?" o "Saan ka pupunta?" isa sa dalawang yan ang tinanong niya. At dahil malabo nga ako, ngumitti lang ako at sinabing okay lang ako, sabay bbye. Grabe! Alam kong may gusto pa siyang sabihin kaso tumuloy na akong lumakad kasi kung mananatili ako, baka di ko na mapigilan sarili ko. Tsaka naiwanan nadin siya ng mom niya, ayaw ko naman maligaw siya. lol. Basta nagmadali na ako non. Gets niyo na siguro kung sino diba? Kung hindi, malabo siguro akong magkwento. Hahahaha. Si Victor Luis C. Veloso III po ang nakita ko. Na mas kilala bilang Karma dito sa blog ko. ;) Odiba, mapaglaro ang tadhana. Lagi nalang niya kami pinagtatagpo. Sa dami ng araw na pwede siyang mag-mall yung araw pa mismo na andon ako. At sa dami ng pwedeng mall na puntahan, talagang sa SM Dasma pa talaga. At sa dinamin ng stores sa SM, talagang sa Dept. store pa kami pinagtagpo. Natatawa nalang ako, pero yung kaba ko talga kanina hanggang doon nalang. Sa ruwing makikita ko siya, ganoon nalang ang kaba ko. Ganoon nalang kabilis tibok ng puso ko. Tadhana, di na kita magets. Ang laboo mo na masyado. Natatakot na ako sa mga nangyayari. Kung patuloy mo kaming pagtatagpuin, di ko na alam kung makakaya ko pa...










