"Pag usapan natin yan soon!"
Alam kong lasing ako noong huli tayong nag usap, pero tumatak sakin yang mga katagang yan. Kung ano man yung mga nasabi ko nung gabing yun, pakiramdam ko, naging obvious na rin sa'yo.
Na hindi lang yung bagay na kwinento ko sa iyo yung bumabagabag sakin ng mga nakaraang buwan. Oo, hindi ko inisip to nung pinagsabihan kita, na prinsipyo ang pinairal ko noon. Ngunit mas matimbang pa rin pala yung nararamdaman ko para sa'yo.
Oo, tinanggap ko na noon na hindi tayo pwede. Maski na nagjajive yung vibes natin. Alam ko rin na hindi ko kailan man magiging deserve ang isang tulad mo. Naiiba ka sa karamihan, nangingibabaw ang iyong ilaw sa langit na puno ng bituin.
Mahal kita.
Mahal na mahal, at kailan man hindi ko hihilingin na tumbasan o suklian mo ito.. Kalimutan? Hayaan? Layuan? Ang hirap gawin ng mga yun. Pero pinapangako ko, hinding hindi kita kakalimutan pati itong nararamdaman ko. Habang buhay kong itatabi sa isang sulok ng puso ko yung mga bagay na naituro mo, mga panahon na tila tumigil ang mundo ko dahil sa saya ng mga oras na yun.
Alam kong kailan man ay di mo to mababasa, pero sana, kung saan ka man dalin ng puso mo, ikaw ay maging labis na masaya. :)















