Recently, out of control na ako sa mga salitang binibitawan ko. Ewan ko ba, siguro napupuno na sa utak ko lahat - lahat ng mga salitang gusto kong sabihin. Dati kasi kaya ko pa, pero ngayon hindi na. Minsan naisip ko, dapat pala nailalabas mo din yung inis, pagkairita at galit mo sa isang tao. Iba sa pakiramdam at feeling mo, para kang nakawala sa hawla. Hahahaha. Ako ang tipo ng tao na mahaba ang pasensya pero pag napuno na ako, ibang side of personality ang makilala ninyo. Kaya nakakatakot ang mga tahimik na tao katulad ko, parang bulkan na pwedeng sumabong anumang oras.
















