Alarm Clock Ka Ba?
Alarm clock ka ba?
Ginising mo kasi ang natutulog kong puso. Korni na banat pero aminin natin, makahulugan.
Siguro sa iba wala lang, basta maka-banat lang. Pero sa taong seryoso sa pagbitaw ng banat na ito, super makahulugan ito.
Di ko alam kung kanino talaga ito nanggaling . Pero masasabi ko lang ang galing nya. Parang nonsense ang banat pero sa bandang huli masasabi mo ay may meaning talaga.
Pwede ito sa mga taong nasawi sa pag-ibig? O di kaya naman sa mga taong akala nila ay di na sila makakahanap ng kanilang tunay na pag-ibig.
Minsan dahil sa isang sitwasyon nagiging bato ang puso natin. Na kahit kailan ay akala natin wala ng magpapalambot nito. Pero dumating ang isang araw na nagising ang puso natin at nasabing ” Handa na ulit ako magmahal”.
Diba ang alarm clock ginagamit natin para magising tayo sa oras na gusto natin. Kasi may mga importanteng bagay tayo na dapat nating gawin sa oras na yun.
Parang ang puso natin, kung minsan kailangan muna nitong matulog para makapagpahinga o makapag-isip….Para sa paggising nito ay maging handa na sa susunod na pagtibok para sa tamang tao.
May sense diba??










