Tanga ba akong maituturing kung nagmahal ako ng taong HINDI KO KILALA NG LUBUSAN O NAKIKITA MAN LANG? Tanga ba ako?
Hindi ko alamm pero minahal ko na sya.. siguro nga mali? Ewan di ko talaga alam.. Alam ko lang I LOVE THIS UNKNOWN GUY. J
Oo inaamin ko walng kasiguraduhan tong relasyon namin.. Kung TOTOO nga ba o hindi.. Hindi ko alam kung yung nararamdamn nya ba para sakin ay katulad ng nararamdamn ko para sa kanya..
Pero kung totoo man.. masaya ako kase finally may nagmahal saken ng ganito.. pero kung hindi *smile* edi hindi.. ako ang isa sa mga nabiktima ng mapaglarong pag-ibig..
Pero sa ngayon? Umaasa ako na sana totoo nga ang lahat ng namamagitan samin.. na sa may salitang “KAMI”. Na sana there’s a connection between US. Na sana hindi nya ako pinaglalaruan.. kase ayoko maranasan yun.. J
Oo. Takot akong masaktan. Takot akong masaktan ng taong mahal na mahal ko.. pero ngayon palang nararanasan ko na sya. ANG MASAKTAN.
Nasasaktan ako dahil wala syang oras para saken.. kung pede lang sana ako magdemand ng oras sa kanya eh sana ginanawa ko na.. kaso di naman pede.. sino ba naman ako para humingi ng oras nya diba? J
Feeling ko nga wala naman talaga akong karapatan sa kanya kase parang wala naman talagang kami.. na lahat ng to ay puro pagpapanggap lang.. na lahat ng to ay gawa-gawa lang..
dapat ikaw ang first priority nya kase ikaw ang girlfriend nya
Tinanong ko nadin naman sa kanya yan pero wala akong nakuhang sagot..
Ang tanga tanga ko kase habang ginagawa ko to ngayon umiiyak ako. HAHAHAHAHAHAHA
Ganun ko na ba talaga sya kamahal?? Sya kaya nararamdaman nya din kaya tong nararamdaman ko?? Nasasaktan ako.. nasasaktan ako sa mga pinaggagawa ko..
Di ko alam pero naaawa ako sa sarili ko..
Laging umiiyak paggabi.. Laging nag-iisip kung ano na ba talaga? Kung totoo ba o hindi??
Gusto ko nang itigil tong kahibangan ko pero di ko kaya.. Di ko kaya kase mahal na mahal ko sya.. mahal na mahal..
Alam ko.. kahit di nila sabihin sakin ng deretso.. alam kong na sinasabi na nilang ang tanga tanga ko...
At ngayon maghihintay ulit ako sa kanya. Maghihintay ng walang kasiguraduahan..
Di namn mali ang magmahal diba?
Pero tanga ba talaga ako? Manhid?
OO inaamin ko simula palang totoo na tong nararamdaman ko para sa kanya.. Na minahal ko sya di bilang isang Jiana Mina Delos Reyes kundi bilang ako.. ako na si Carmina ..