Hoy ano na inday? Manhid ka na ba talaga? Puta, binabalewala ka na. Anong plano mo sa sarili mo? Anong plano ko sa buhay ko? Wala akong maisagot, anak ng tokwa naman oo! Masyado kong pinaikot sakanya ang mundo ko. Or No, better to say ginawa ko syang mundo ko. Na parang pag tuluyan syang nawala, mawawalan na din ako ng oxygen sa katawan. Oo, tama ang nabasa nyo! Pag nawala sya, yung literal na wala na sa buhay ko parang gusto ko na din maglaho parang bula. Pero ayokong magpakamatay! Nagseself pity na nga ako, papakamatay pa ba ko? Grabeng torture na 'to. Kinawawa ko na ng lubusan ang sarili ko. Gusto ko sana, yung mawawala na lang ako na parang bula. Yung pag pumikit ako, wala na 'ko sa barangay namin tapos pag mulat ko andun na ko sa pinakamasayang lugar sa mundo. Tapos nakalimutan ko na lahat. Lahat ng sakit, lahat ng lungkot! Sana talaga ganun lang kadali. :(













